Saturday, January 23, 2010

HAInaKU! TAngiNA GA? #1-12

1) HAPAG-SOSYALAN
facebook yaring agahan
twitter ang tanghalian
myspace sa may kapihan
friendster kapag hapunan

2) 143-3210
kinalimutan kita
hanggang sa inistapa
si motorola v3
sa ayala mrt

3) NAGKAPENG PSP
sabi nang wag magkape
pag tsina-charge sa pc
ang libangang psp
nasa huli ang sisi

4) ODA KAY RHODA
di dahil takot ako
sa erpat mong sundalo
kundi tinanggap mo ko
kahit na siraulo

5) AMBIDYOSO
kulang na lang kabaong
at lapida sa pinto
nang sa bidyo nalulong
laruang walang hinto

6) TEXTM8-R8ED GP
lunes unang nagtextan
martes nagkabiruan
myerkules nagpikunan
hwebes nagkabatian

7) TEXTM8-R8ED PG
lunes unang nagtextan
martes nagkakulitan
myerkules nagyayaan
hwebes nagkakangkangan*

*nagka-count-to-10

8) TEXTM8-R8ED X
lunes unang nagtextan
martes nasa sinehan
sa dilim nagtirahan
hanggang masaraduhan

9) SHORT TIME
oras ng pagniniig
kasing-igsi ng palda
sa silid na malamig
dalawa naging isa

10) GOTO NEPA-Q
sinabunan ng alak
at chicharong bulaklak
serbesa ang binanlaw
at walang-lamang lugaw

11) VALIWAG COURT
di ko ipagpapalit
sa aspaltong malamig
yaring upuang bakal
sa baliwag terminal

12) NOODLES & PINS
sikmurang bumaligtad
sa maghapong paglaklak
isipang lumilipad
lucky me ang katapat

No comments:

Post a Comment