Saturday, January 30, 2010

HAInaKU! TAngiNA GA? #13-21

13) TINA MORAN
probinsyanang si tina
labandera, cook, yaya
'pag ate'y nag-office na
sina-sideline ni kuya

14) PINING GARCIA
sekretaryang si pining
di alam ang gagawin
nang sa banyo'y yayain
ng mestisuhing bosing

15) CUTARUNGAN
umabot sa sukdulan
ginahasa't sinaktan
binaboy na utusan
amo ay pinutulan

16) O JUICE KO
mighty bond ba ang sagot
sa nabasag mong puso?
o 'tong juice na may halo
ng hinebrang panglimot

17) FAKELAT
naghilom ba ang hiwa
ng nakangangang sugat?
o parating sariwa
sa kabila ng peklat

18) SORRY I HEART U
naglagos ba sa likod
karayom ko sa dibdib?
o tumagos sa pusod
at nagbunga ng tinik

19) LOVE LATER
huling email ko'y tangan
nang ika'y matagpuan
bumubula ang bibig
ang puso'y walang pintig

20) QUEEN OF HURTS
payapang nakahiga
palibot ng kandila
koronang iaalay
sa reynang isang bangkay

21) HARI NAWA
huling text mo'y nai-save:
"i wil always luv u babe"
bago ka nagpa-delete
may signal ba sa langit?
(nang "im sory"'y mai-send)

No comments:

Post a Comment