Saturday, January 30, 2010

HAInaKU! TAngiNA GA? #22-28

22-28) EYEBALL-AG
I.
cel number na paninda
sa abante'y nabenta
"cute girl" raw na chinita
maganda't simpatika

II.
text ay agad lumipad
planeta'y ginalugad
si "cute girl" ay nagalak
nang mensahe'y lumagpak

III.
"cute boy" raw ang pangalan
ng gwapo at mayaman
agad nagkasunduan
araw, oras, tagpuan

IV.
si "cute boy" berdeng damit
ang kay "cute girl" nama'y pink
sila'y parehong sabik
na makita ang ka-meet

V.
nagka-indian-an yata
sa mrt trinoma
lampas isang oras na
si "cute girl" nakatanga

VI.
hindi na napigilan
tisoy sa may tiketan
kanya nang nilapitan
para ba pagtanungan

VII.
walang kaabog-abog
mama'y dedmang sumagot:
"green ba miss, aking suot?"
sabay sibat at kamot

No comments:

Post a Comment